ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 8, 2025
![Horoscope](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_40554b57cb2c44519c068319e747153e~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/bd1fd9_40554b57cb2c44519c068319e747153e~mv2.jpg)
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2025 (Sabado): Mas malakas at mas suwerte ka kesa sa mga pangkaraniwan. Marami ang gusto kang pabagsakin, subalit sila pa rin naman ang babagsak.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang mga suliranin sa iyong harapan at ‘wag mo itong takasan. Makakaasa ka, ikaw pa rin naman ang mananalo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iwasan mong matangay sa mga taong wala namang mabuting motibo sa iyo. Muli, mag-ingat ka! Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-27-29-36-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Tuluy-tuloy lang, ‘wag kang hihinto at aatras. Ang mga hadlang sa landas na iyong tinatahak ay hindi kasing tindi ng mga napagtagumpayan muna. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-25-34-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na labis kang mag-alala sa paparating na obligasyon. Mas maganda kung paghahandaan mo ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-22-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mararamdaman mo na ang pagbabago. Gayunpaman, lumalayo ka muna sa mga taong wala pang ginagawang mabuti. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-20-25-33-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakaani ang mga taong may tinatanim. Kaya naman, ‘wag mong pababayaan ang bunga ng iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-15-21-28-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang maganda at hindi maganda. Kapag natimbang mo na lahat, alisin mo na sa isip mo ang pagmamahal para sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-29-37-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang masasayang araw kahit pa may makasinggit na pangyayaring hindi umaayon sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-24-36-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang kokontra sa mga gusto mong mangyari. Huwag mo silang pansinin dahil wala lang silang magawa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-21-31-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibalik mo ang saya sa mga taong nagpapasaya sa iyo. Hindi ka dapat matulad sa mga taong matapos pasayahin ay bigla na lamang makakalimot. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-20-33-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat magbago ng pasya. Kailangan mong ipakita ngayon ang pagpapahalaga sa mga salitang magmumula sa iyong bibig. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-23-25-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo dapat iwasan ang mga hadlang sa buhay mo. Harapin mo ito, nang sa gayun ay makatanggap ka ng premyo mula sa langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-22-27-31-44.
Comments