ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 7, 2025
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 7, 2025 (Biyernes): Malayo ang iyong mararating. Kaya hindi lang isang tagumpay ang matatala sa aklat ng iyong kapalaran. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang kakaibang yaman ng iyong imahinasyon. Ito rin ay nagsasabing ang kabiguan ay malabo mong matikman. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-3-18-26-39-45-52.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda ka na, dahil ngayon na darating ang malaki mong suwerte. Kaya naman, alisin mo na ang iyong pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-29-34-37-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nauubos ang iyong suwerte. Nagkataon lang naman na parang hindi ka gaanong interesado sa pagpapayaman, dahil masyado kang abala sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-16-23-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong mabigla, dati ka nang nabigla at nalantad mo lang iyong itinatagong damdamin. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipahayag ang nilalaman ng iyong puso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-12-24-28-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Isang suwerte ang dadapo sa iyo na kapag nakita ng langit na pinapahalagahan mo, dadagdagan niya pa ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-16-22-38-44-53.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang sumakay sa mga sinasabi nila na, “Kapag nasa katwiran ka, ipaglaban mo,” dahil wala itong katiyakan. Mas mabuti kung piliin mo na lamang ang pakikipagkasundo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-25-32-43-50.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahirap paniwalaan ang nakasulat sa aklat ng iyong kapalaran na nagsasabing pagandahin mo ang buhay nila, nang sa gayun ay makatanggap ka rin ng malaking gantimpala sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-21-27-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mabibigo ngayon. Kaya naman, ituloy mo na ang matagal munang binabalak na negosyo. Makikita mo, sunud-sunod na parang parada ng mga magagandang artista ang mga suwerteng mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-18-20-29-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mo lang at huwag mo nang pahirapan ang loob ng mga taong lumalayo sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-19-23-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahalin mo ang sarili mo. Ito ang dapat mong gawin ngayon, bago mo mahalin mo ang iyong kapwa. Kumbaga, hindi pa ngayon ang tamang panahon para sa pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-25-28-31-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang imbento mong istorya ay paniniwalaan nila. Subalit, ang nakakagulat pa ay makakatikim ka na rin ng masarap na buhay ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-11-17-27-30-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Darating at lilisan din ang alon sa dalampasigan. Pangkaraniwang pangyayari ito, subalit ito ay nagsasabing bawat araw ay papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-10-13-21-39-43.
Comments