top of page
Search

Horoscope | Pebrero 4, 2025 (Martes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 4, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 4, 2025 (Martes): Isinilang kang may puso’t damdamin na nakakaunawa sa ibang tao. Kaya naman, ikaw ang sandalan at pahinga ng mga taong pagod na.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpakita ng kahinaan, lalo na’t marami ang nakasandal sa iyo. Kapag nanghina ka, manghihina rin sila. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-21-28-35-37.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago ka makarating sa tuktok, kailangan mo muna itong akyatin. Walang mangyayari sa pangarap mo kung hanggang salita ka lang. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-15-24-36-41-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Mabagal at nahihirapang maglakad ang mga taong maraming bitbit. Kaya naman, maging wais ka sa pagpili ng iyong kaibigan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-26-32-39-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi naman mahirap malaman kung sino sa mga kaibigan mo ang tapat. Para malaman mo ito, magkunwari kang gipit na gipit, ang sinumang umiwas sa iyo ay alisin mo na agad sa listahan ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-22-28-30-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang lumayo sa mga taong mahirap unawain. Ang ilagay mo sa isip mo, lahat naman ay nahihirapan sa kanya. Kaya naman, habaan mo na lang ang iyong pasensiya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-31-35-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dati munang nakaharap ng mukhaan ang kabiguan. Kaya hindi ka na dapat matakot ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-23-37-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humihina ang katawan at kalusugan ng mga taong hindi nagpapahinga. Huwag mong ipagmalaki na sanay ka na sa pagpupuyat. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-20-27-35-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakahalo sa putik ang ginto. Kaya bakit mo lalayuan mo ang mga taong mukhang walang pakinabang sa iyo? Sa katunayan, sa kanila ka makakakuha ng ginintuang aral sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-12-23-33-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nilikha muna sa imahinasyon mo ang magagandang imbensyon. Gayunpaman, huminto ka muna at manahimik. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-22-25-34-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Unahan mo ang mga karibal mo, lalo na’t hindi naman lingid sa iyo kung paano sila gumagalaw at kumikilos. Sa ganitong paraan, mawawala sila sa porma at ikaw ang mananalo. Masuwerteng kulay-purple.  Tips sa lotto-8-16-27-29-31-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakasingit ngayon ang mga bagay na gustung-gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-24-26-30-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumadapo ang mga suwerte sa mga taong may magagandang pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-25-35-38-40.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page