top of page
Search

Horoscope | Pebrero 3, 2025 (Lunes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 3, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 3, 2025 (Lunes): Lubusang katuparan ng mga pangarap ang ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy ang pag-asenso mo kahit pa may mga pinadaraanan kang mga personal na problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-18-24-36-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sisilip sa iyo ang isang malaking suwerte, lalo na kapag marunong kang magpatawad sa mga taong nagkakamali sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-25-39-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi magandang nagdadalawang-isip ka. Ang pag-aalinlangan ay sabagal lang sa pag-unlad. Ito ang tandaan mo ngayon.  Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-21-24-30-34.

 

CANCER (June 21-July 22) - Papaboran ka ng langit. Kaya naman, pangarapin mo ang mabilis na pagyaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-22-24-39-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masama ang maghangad, alam mo kung ano ‘yung pangit at masama? ‘Yung wala kang pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-25-32-43.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatamad ang sobrang init na panahon. Gayunpaman, kumilos ka pa rin dahil ang magagandang bagay ay nag-aabangan sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-27-30-35-45

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang piliin mo. Bakit mo pupuwersahin ang iyong sarili sa mga bagay na ayaw mo? Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-12-26-31-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Babala ang hatol ng langit sa mga taong mapanghusga. Kaya naman, iwasan mong husgahan ang ibang tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-22-29-35-36.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumain ka! Bakit ka magda-diet? Kailangan mong lumakas at sumigla dahil napakaraming magagandang oportunidad ang nag-aabangan sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-12-24-31-40-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lilitaw ang isang bulalakaw sa langit at ika’y hahanapin. Kaya makakaranas ka ng mga suwerte ngayon. Subalit, mag-ingat ka sa mga taong inggitera. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-19-23-30-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aakalain mong kinakapos ka na sa suwerte. Pero sa totoo lang, anumang sandali ay uulanin ka ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-22-25-36-43.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kikilos ang iyong kapalaran kahit pa wala kang gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-27-34-40.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page