top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Pebrero 29, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 29, 2024



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 29, 2024 (Huwebes): Kalinisan ng puso ang nakikita sa iyo ng langit. Kaya naman, ang bawat hiling mo ay ipagkakaloob sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasayahin mo ang hindi mo kakilala dahil ito ang isa sa kondisyon bago mahulog sa iyo ang malaking suwerte na labis-labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-25-37-39-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsuot ka ng sapin sa paa na walang takong. Ito ay para mahatak mo ang mga suwerte na nasa paligid mo. Gawin mo ito dahil masayang-masaya ang puso ng taong binubuwenas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-27-36-40-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Bawat kilos mo, dapat may pakinabang ka o dapat na sasaya ka. Huwag mong sayangin ang iyong lakas sa mga bagay na magpapahina lang sa iyong katawan o kalusugan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-19-24-30-38.


CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon din ang masuwerteng araw para sa paghiling sa langit ng kung ano talaga ang gusto mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-23-26-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon. Kaya lang tulad ng dati, lihim lang at ikinukubli mo ang lungkot at sakit ng puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-17-22-28-31-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa malalapit sa puso mo ang iyong mga suwerte. Ituloy mo lang ang magandang pakikitungo sa kanila. Ito ang sikreto nang sa gayun ay mapasaiyo nang palihim ang kanilang mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-29-34-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humarap ka sa salamin nang may saya at ngiti. Ito ang sikreto para maakit mo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-12-19-27-37-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magbabago ng pasya dahil kung susuriin ang iyong nakaraan, umaasenso ang buhay mo dahil sa iyong paninindigan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-24-31-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Ang mga hindi mo nagawa ngayon ay simpleng nagsasabi na sa ibang araw ay puwede mo na rin itong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-18-27-29-33-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Likas kang mapalad, kaya maghintay ka lang at huwag kang mainip. Ang naiinip ay lalong nilalayuan ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-25-28-35-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya ang magnet mo para mapasaiyo ang mga suwerteng inaasam-asam mo. Kaya labanan mo ang lungkot, galit at inis. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-22-29-31.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang bago ka tuluyang kumilos. Paano? Hahakbang ka muna at hihinto sandali. Ituloy mo na ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-19-21-34-40.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page