top of page
Search

Horoscope | Pebrero 28, 2025 (Biyernes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 28, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 28, 2025 (Biyernes): Kabilang ka sa mga masuwerteng nilalang na aalalayan ng langit, subalit ang iba ay aangal dahil mararamdaman nila ngayon na pinagdaramutan sila ng suwerte.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lagyan mo ng saya ang buhay mo, dahil hindi makakabuti sa tao ang labis na pagseseryoso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-28-30-36-41.

 

TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Maghanap ka ng aaliw sa iyo. Hindi ka maaaring manatiling malungkot sa mahabang panahon. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-17-24-34-38-45.

 

GEMINI (May. 21-June. 20) - Sa iyo ang araw na ito at ang mga susunod pang mga araw. Gayunpaman, habang nagsasaya ka, hindi mo dapat kalimutan ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-23-25-30-43.

 

CANCER (June. 21-July. 22) - Bibiyayaan ka ng mga suwerte na magmumula sa langit at kung nais mong magkaroon ng mas malaki at marami, dapat mo munang pasayahin ang mga taong nangangailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-21-28-32-44.

 

LEO (July. 23-Aug. 22) - Magpakababa ka, nang sa gayun ay itaas ka ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-20-27-34-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habang nagsasaya ka, kumuha ka ng magagandang hakbang ng tagumpay sa mga taong iyong nakakasalamuha. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-26-30-36-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ng magarang  kasuotan, dahil ang iyong kagandahan ay sapat na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-13-25-39-41-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalim ka kung mag-isip. Kaya naman, lalayuan ka ng mga taong mabababaw. Gayunpaman, ‘wag kang malungkot. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-9-16-21-24-34-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - ‘Wag mong pagdamutan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-13-18-29-31.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong ipangako ang bukas. Bagkus, ngayon mo kailangang itodo ang lahat ng kaya mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-25-27-32-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka sa mga kontrabida, dahil maaari kang mahawa sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-8-14-18-21-27.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi naman masama ang magtanong. Ang pangit ay ‘yung wala ka na ngang alam, ayaw mo pang magtanong. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-22-31-38.

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page