ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 27, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 27, 2025 (Huwebes): Sapat na ang tapang mo upang magtagumpay ka sa anumang hangarin mo sa buhay. Kaya gamitin muna ito ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Para sa iyo ang araw na ito. Humiling ka sa langit, dahil tiyak na didinggin ka Niya, kahit pa napaka-imposible nito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-25-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Hindi ka makakausad ngayon. Pero kapag naniwala ka sa iyong sarili, tiyak na aasenso ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-21-30-32-35.
GEMINI (May. 21-June. 20) - Kapag sobra kang nagtiwala sa iyong sarili, may babala na mabibigo ka. Mas maganda kung pakikinggan mo rin ang sinasabi ng mga kaibigan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-29-31-36-38-40.
CANCER (June. 21-July. 22) - Huwag kang malito at matakot. Bagkus, pakinggan mo lang ang sinasabi ng isip mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-23-25-27-33-34.
LEO (July. 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong magpatangay sa mga alaala ng nakaraan. Mas maganda kung haharapin mo ang bagong kabanata ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-10-22-26-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palalakasin ka ng isang malapit sa puso mo. Ipinadala siya sa iyo ng langit dahil ikaw ay nakitang kulang sa lakas ng loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-19-29-32-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa iba, lalo na sa mga bago mong kakilala. Mas paniwalaan mo ang dating mga malapit sa iyo na laging nakaalalay at naaasahan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-13-27-39-41-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibigay mo ang lahat ng kaya mo. Ito ang susi upang makuha mo ang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-26-34-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manatili kang nakatingin sa harap, dahil ang tagumpay ay nasa harapan mo na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-20-28-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas ka ngayon. Kaya naman, gawin mo na ang mga bagay na gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-24-35-37-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala namang magbabago sa kapalaran mo. ‘Yun nga lang ay ikaw na mismo ang magpapagulo nito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-23-33-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli mong hanapin ‘yung dating ikaw na desidido sa buhay. Ang tunay na kaligayahan ay nasa pagiging seryoso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-22-24-28-30.
Comentarios