ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 26, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 26, 2025 (Miyerkules): Mapapasaiyo na ang masarap na buhay. Hindi na mahalaga kung maniniwala ka man o hindi.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong sayangin ang magagandang katangian mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-20-25-30-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi lang kalamidad ang dapat paghandaan. Bagkus, kailangan mo rin paghandaan ang masaganang anihan, kasabay nu’n ay unti-unti ka nang makakaranas ng pag-unlad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-14-23-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Napansin mo ba na umaawit din ang mga ibon kapag maganda ang panahon? Ito ay malinaw na palatandaan na ikaw ay susuwertehin na ngayon. Kaya naman, makipagsapalaran ka na. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-22-28-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang kaya mo, iyon lang ang gawin mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-12-18-25-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakasilaw ang kinang ng ginto. Gayunpaman, iwasan mong masilaw sa sarili mong liwanag. Ibig sabihin, ang magandang kapalaran mo ang maaari pang magpabagsak sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-24-31-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag nakarinig ka ng kakaibang intriga. Huwag kang magpaakit, nang sa gayun ay patuloy ka pa ring lumigaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-20-26-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi makakabuti sa iyo ang biglaang pagpapalit ng hanapbuhay. Bago mo ito gawin, dapat handa ka dahil tiyak na maraming problema ang masasagupa mo sa muling pagsisimula. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-21-33-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas sinisisi natin ang ating kapwa kapag tayo ay nabibigo at nasasaktan. Pero sa katunayan, tayo mismo ang may kasalanan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-24-30-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaibang saya ang nadarama ng mga taong nakakakita ng bulalakaw. Sapat na ang munti mong kasiyahan para magawa mo na ang mga bagay na hindi mo pa nagawa noon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-14-26-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong paniwalaan ang mga kuwento na wala namang patunay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-16-20-25-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madalas nasa tabi-tabi lang ang suwerte, kaya ang nag-aakalang minamalas sila ay mas lalo pang mabibigo. Gayunpaman, nasa tabi mo na ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-18-27-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ituloy mo lang ang iyong pagsusumikap, nang sa gayun ay maabot mo ang iyong mga ambisyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-28-30-38-41.
Comentários