ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 25, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 25, 2024 (Linggo): Itutok mo ang iyong sarili sa pagpapayaman dahil dito ka tiyak na uunlad
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na buo ang iyong loob. Gawin mo ito para mapasaiyo ang isang matamis na kaligayahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-21-27-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaiba at nakakatuwa ang iyong pampabuwenas. Ito ay ang tunog ng mga pinggan na gawa sa pinatigas na lupa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-28-32-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dadaan ka ngayon sa isang palaisipan ng iyong buhay. Ibig sabihin, isip ang susi para malutas mo ang anumang palaisipan na gumugulo sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-22-35-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Masyado kang nagiging emosyonal ngayon. Gustuhin mo man o hindi, wala kang magagawa dahil ito na ang nakatakda sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-16-20-29-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakagulat ang nakasulat sa aklat ng iyong buhay na nagsasabing ang iyong kinaiinisan ay iyo ring lihim na minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran, at hindi ka dapat mabigla. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-15-19-22-26-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Alamin mo ang nakatagong dahilan kung bakit hindi nagkakaunawaan ang mga taong malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-7-16-20-28-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magalit o sumama ang loob sa mga taong mahirap paniwalaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-24-33-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kalma lang sa harap ng magulong sitwasyon, kapag kalmado ka mas makakapag-isip ka ng maganda at tamang solusyon. Masuwerteng kulay-pink.Tips sa lotto-9-18-21-27-39-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bukas ang pintuan ng pagpaparami ng kaibigan. Gayunman, piliin mo ang mga kaibigang may maitutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-6-15-20-24-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon. Para malaman mo kung totoo ba ito o hindi, subukan mong gumawa ng mali at magugulat ka dahil ang magiging resulta ay positibo pa rin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-8-17-22-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mula sa maliit na suwerte na mahahawakan mo, puwedeng-puwede kang yumaman. Mangyayari ito kapag ang maliliit na suwerte ay sinisinop at pinahalagahan mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-10-19-34-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan, mas maganda pa ang nag-iisa kesa sa may mga kasama. Ngayon mo mapapatunayan ang nasabing kasabihan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-16-20-29-31.
Comments