ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 24, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 25, 2025 (Martes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan na puwede mong magamit upang yumaman. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka kulang sa mga ideya upang gumanda ang buhay mo. Kaya hindi rin hadlang ang mga limitadong kagamitan na meron ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-19-24-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Kikislap mula sa malayo ang suwerteng darating sa iyo. Gayunpaman, pansamantala mo pa ring mararanasan ang mga suliranin na magpapagulo sa iyo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-3-18-29-33-38-45.
GEMINI (May. 21-June. 20) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Ang mabilis na pagpapasya ay hindi rin makakaapekto sa mga suwerteng darating sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-23-35-38-41.
CANCER (June. 21-July. 22) - Mahirap paniwalaan ang kapalaran mo ngayon. Kapusin ka man ngayon, makakaramdam ka pa rin ng suwerte at pagpapala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-7-18-28-31-44.
LEO (July. 23-Aug. 22) - Muling magbabalik ang mga magagandang pagkakataon na iyong pinalampas. Kaya naman, huwag mo na itong sayangin pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-21-24-30-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumakaway na ang malamig na simoy ng hangin. Ibig sabihin, dapat ang mga produkto mo ngayon ay may mga kaugnayan sa mga gadgets na usung-uso ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-26-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo maliitin ang sarili mo kapag hindi mo nakukuha ang gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-24-28-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit may mga madidilim na ulap sa kalangitan, hindi pa rin ito makakaapekto sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-19-27-30-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumukuha pa ng lakas ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-21-28-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga taong ‘di pabor sa mga nangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-17-25-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dadagitin ka ngayon ng isang malaking suwerte na biglang magpapabago sa buhay mo at dadalhin ka nito sa malayo na magdadala sa iyo sa magandang buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-22-33-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung magkamali ka, ‘wag kang mag-alala. Dahil ang kapalaran ng bawat tao ay may sariling proseso at langit mismo ang aayos ng iyong kapalaran tungo sa pag-unlad. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-7-11-29-38-41-45.
Comentários