top of page
Search

Horoscope | Pebrero 24, 2025 (Lunes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 24, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 24, 2025 (Lunes): Sina Venus at Marte, ang maghahari sa kapalaran mo. Kaya kahit pa magkamali o pumangit pa ang buhay mo, kikilos pa rin sila upang mas pagandahin ang iyong buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang makinig sa payo ng iba. Sa katunayan, inspirasyon lang ang kailangan mo upang mas lalo ka pang lumakas at suwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-17-27-30-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling ibabalik ng langit ang masuwerte mong araw, dahil saksi Siya sa mga kalungkutan mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-15-20-25-34-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magkamali ka man ngayon, magreresulta pa rin ito ng magandang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-24-25-38-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Litaw na litaw ngayon ang kakaibang ganda ng iyong personalidad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-17-26-38-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Sa tuwing sinusuwerte ka, ‘wag na ‘wag mo itong ipapahalata sa iba. Kapag nanahimik ka, mas malaking suwerte ang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-23-34-39-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sisilipin ka ngayon ng malaking suwerte, lalo na kapag hindi ka kumontra sa iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-21-28-30-37-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ngayon ang kapalaran mo. Kaya naman, kumilos ka na para maabot mo na ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-24-26-37-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahahati ang atensyon mo ngayon sa kabuhayan at kaligayahan. Gayunpaman, ang payo ay nagsasabing piliin mo ang nauna. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-14-22-28-39-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling babalik ang mga tukso sa buhay mo. Subalit, kailangan mong mas maging matibay ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-7-12-23-38-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kagandahan ang regalo sa iyo ng langit. Kaya naman, gaganda na rin ang kapalaran at pakiramdaman mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-28-33-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo na kailangan pa ng mahabang salita para lang makuha ang gusto mo. Makita ka lang niya, tiyak na makakamit mo na agad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-20-24-37-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pansin mo rin ba na ang paa ay nakadireksyon sa harapan? Ito ay isang senyales na hindi maganda na balikan pa ang nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-17-25-35-41.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page