ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 24, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 24, 2024 (Sabado): Kung ano ang maganda iyon ang para sa iyo. Sa susunod na araw, magugulat ka dahil pagkakalooban ka ng magandang kapalaran at karanasan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagtatagumpay ang mga taong may malinis na kalooban habang nabibigo naman ang mga taong may masamang balak sa kanyang kapwa. Panatilihin mo ang kalinisan ng iyong kalooban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-11-20-29-35-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Walang magagawa ang mga kontrabida sa buhay mo kundi panoorin ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-26-35-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag may itinanim, may aanihin. Kaya magtanim ka ng kabutihan upang makaani ka rin ng kabutihan. Pero, ‘wag kang magtanim ng sama ng loob dahil tiyak na ang aanihin mo ay karamdaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-23-27-33-45.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo lakasan ang iyong loob na makipagsapalaran sa hamon ng buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-21-28-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa mga taong hihilahin ka sa katamaran. Mas magandang mag-isa kesa sumama sa mga taong wala rin namang magandang maidudulot sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-22-26-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mag-utos ka at masusunod ka. Pero ang magandang utos ay kung paano mo mapapabuti ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-14-29-32-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Susuwertehin at ang mamalasin ang mga taong walang bilib sa iyo, kaya 'wag ka na lang maingay dahil baka makahalata pa sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-23-28-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtago tulad ng pagong. Ilabas mo ang iyong galing at husay tulad ng isang agilang dinadagit ang kanyang mga biktima. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-14-16-22-30-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang panghinaan ng loob. Ang mga suliranin ay kusang nalulutas at ang iba naman ay kayang-kaya mong solusyunan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-19-21-27-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magtrabaho ka nang magtrabaho, para mawala ang takot at pag-aalala mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-22-23-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo ngayon ang iyong mayamang imahinasyon kahit na nasa bahay ka lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-28-33-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka puwedeng mabuhay nang walang kausap. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-9-18-25-29-36.
Comments