top of page
Search

Horoscope | Pebrero 21, 2025 (Biyernes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 21, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 21, 2025 (Biyernes): Isinilang ka para mamuno. Kaya naman, mamuno ka ng may dangal at pagmamahal sa mga tauhan mo. Ito ang bilin ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka upang masunod ka. Pero kailangan mong maunawaan na ang mga taong napipilitan lamang ay hindi maganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-18-24-33-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghanda ka, dahil may malaking suwerte kang madaraanan habang binabagtas mo ang landas ng tagumpay. Huwag mong hayaan na talunin ka ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-16-21-30-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpalit ng kagustuhan, bagkus panatilihin mo ang iyong nakaugalian na kahit maliit lang, mas mainam na iyon kesa sa biglang malaki, pero mabibigo ka naman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-23-33-40-44.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakagulat ang mga pangyayari, dahil kung sino pa ang iyong kinaiinisan, siya pa ang magiging dahilan kung bakit ka bibiyayaan ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-11-20-29-35.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mararamdaman mo na mas angat ka kesa sa mga pangkaraniwan. Tama ang iyong pandama at mas maganda kung gagabayan mo rin ang pangkaraniwan, nang sa gayun ay umasenso rin ang buhay nila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-22-31-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang masilaw sa mga bagay na maganda, lalo na kung may malaki pala itong kapalit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-24-32-41-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Puwede mo nang patunayan ngayon na mas angat ka kesa sa mga taong umaasta na sila dapat ang laging masunod. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-15-18-24-39-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magalit ngayong araw. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-27-33-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang mga tao kahit hindi mo sila kilala. Ito ang utos na kapag nasunod mo ay tiyak na may katumbas na katuparan sa iyong mga kahilingan. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-6-15-20-31-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Titigas man ang ulo mo, lalambot  pa rin naman ito dahil mabilis mo ring mapagtatanto na mali pala ang iyong paniniwala. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-7-19-25-34-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinihintay ka na ng magandang kapalaran. Kailangan mong umusad sa iyong buhay at ang isa pang kailangan mong gawin ay huwag kang mabuhay sa kasalukuyan at mabuhay ka para sa hinaharap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-22-29-38-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamili ka ng makakasama. Hindi lahat ng nagpiprisinta ay dapat mong tanggapin. Kung sino lang ang tunay na nakakatulong sa iyo, sila lang samahan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-29-31-37-42.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page