top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Pebrero 21, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 21, 2024



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 21, 2024 (Miyerkules): Huwag mong kaligtaan na dapat laging nakasayad ang mga paa mo sa lupa. Ito ang sikreto ng mga taong hindi bumabagsak.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suriin mo ang mga plano mo ngayon. Magandang balikan ang mga ito nang sa gayun ay mapulido at hindi ka masingitan ng mga pagkakamali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-23-39-43-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makinig ka sa mga nakapag-aral at matatalino. Hindi ka dapat umasa sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-25-30-36-43.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Gawin mo ang mga kaukulang pag-iingat. Mas magandang mag-ingat kesa magtiwala sa sariling kakayahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-20-31-35-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pabayaan ang iyong sarili, kumain ka ng masustansyang pagkain, uminom ng sapat na tubig. Kung tumaba ka, okey lang ‘yan kesa naman manghina ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-20-23-35-40-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Maging huwaran ka sa kalinisan. Ang kalinisan ay pumapangalawa sa kabanalan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-19-25-30-36.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo sa mga taong hindi nag-iingat at sobra kung magtiwala sa kanilang sarili, dahil sila ay mapapahamak at ikaw ay mamumuhay ng payapa at walang problema. Masuwerteng kulay-silver.Tips sa lotto-8-11-18-24-33-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtiwala sa sarili mong damdamin. Oo nga't masaya ka, pero sa aspetong pangpinansyal dapat isaalang-alang mo rin ang iyong future. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-20-25-31-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang labis na magtiwala sa sarili mong kakayahan. Mas maganda kung makikinig ka pa rin sa advice ng iba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-24-38-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumulutang sa panahon ng sakuna at kagipitan ang mga taong may malinis na kalooban. Ngayon mo ipamalas ang iyong likas na kabaitan. Kapag mabait ka, mas maraming biyaya at pagpapala ang iyong matatanggap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-27-30-33-36.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang ginagawa ng mga hindi nagkakasakit, iyon ang tularan mo. Kung ano ang ginagawa ng mga nagkakasakit iyon ang iwasan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-22-34-37-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na bigla kang makakatanggap ng sorpresa na hindi mo inaasahan. Kaya huwag kang umasa dahil kapag hindi ka umasa, mas madami pang suwerte at magandang kapalaran na mula sa langit ang ihuhulog sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-19-24-30-35.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo ang mga taong matitigas ang ulo. Huwag kang makinig sa kanila. Kahit pa sabihin nilang duwag at mahina ang iyong loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-25-29-36-45.




0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page