top of page
Search

Horoscope | Pebrero 20, 2025 (Huwebes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 20, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 20, 2025 (Huwebes): Laging nakaalalay sa iyo ang langit, dahil sa mga kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kabaitan ang mamamayani sa araw na ito. Maski ikaw ay makakagawa ng mabuti sa iyong kapwa. Kaya naman, masasama ang pangalan mo sa tatanggap ng maraming biyaya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-27-30-34-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa’yo ng tadhana. Ngayon ka rin puwedeng humiling ng kahit na ano. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-21-25-39-40-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huminto ka muna sa mga aktibidad na puro lamang pagsasaya. Mas maganda kahit na naaapektuhan ka ng lungkot ay maalala mo pa ring tumulong sa mga mahihirap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-29-32-34-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ngayon ang mga gusto mo, dahil makakaasa ka na aalalayan ka ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-28-3l-34-39.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Magkukunwari kang malakas, pero sa katunayan, mahina ka naman talaga. Kahit pa dayain mo ang sarili mo, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal sa iyo ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-23-29-32-37.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon, pero mas maganda ito para sa iyo, dahil ang tunay na sikreto ng kaligayahan ay madarama mo lamang sa pagluha. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-26-35-39-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Abangan mo ang senyales na magbibigay sa iyo ng malaking buwenas. Ang senyales na iyon ay kapag nakaramdam ka ng kakaibang init sa iyong pisngi. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-22-24-26-35-36.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magiging abala ka para sa iba. Gayunpaman, huwag kang mag-alala, dahil langit na ang bahala na kumilos para sa mas ikagaganda ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-14-20-28-31.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling gagana ang mga suwerte mo, kaya muli na namang aangat ang buhay mo. Ang mga taong naiinggit sa iyo ay huwag mo nang pansinin. Sa halip, lihim mo silang kaawaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-22-29-33-38-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo dapat paganahin ang iyong damdamin sa araw na ito. Bagkus, muli mong pairalin ang iyong praktikalidad na diskarte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-16-24-27-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalita ang araw na ito na muli nang darating ang katuparan ng mga pangarap mo. Huwag kang magbabago at huwag mo rin hahayaan na matalo ka ng negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-mocha brown. Tips sa lotto-17-20-24-26-30-33.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabago ang lahat sa mundo. Ang unang magbabago sa buhay mo ay ang mga bagay na nagpapasakit ng ulo mo at nagpapahirap sa damdamin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-28-30-38-42.

0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page