ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 20, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 20, 2024 (Martes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil hindi ka rin naman maawat na ipakita ang kabutihan sa iyong kapwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng awa. Mas maganda ito kesa talunin ka ng galit at sama ng loob. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-22-30-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na may ilan pang mga suwerte na magmamadaling lumapit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-8-20-24-27-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Tutukan mo ngayon ang iyong personal na kaligayahan, at dapat mo ring malaman na ‘di puwedeng pagsabay-sabayin ang una at huli. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-25-31-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Papasayahin ka ngayon ng langit, bilang premyo mo sa mga kabutihang pinakita mo sa mga nagdaang araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-20-25-36-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpapatuloy ang paglago ng iyong kabuhayan kahit hindi ikaw mismo ang nagpapatakbo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-10-21-34-40-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maganda kung madami kang alam. Pero ang munting kaalaman ay mapanganib sa mga taong malakas ang loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-18-20-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang maganda, at huwag kang makinig sa sinasabi ng ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-28-31-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumaban at manindigan ka. Ang tao ay kinikilala kapag pinaglalaban niya ang kanyang paniniwala. Mamali ka man, ang mahalaga ay lumaban at nanindigan ka. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-11-16-22-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng lakas sa mga bagay na iyong napagtagumpayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-17-20-25-31-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang umasa sa iba, mas magandang ikaw ang asahan ng kapwa mo. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-15-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang umalis. Mas pahalagahan mo ang nagbabalik. Ito ang gawin mong gabay sa buhay upang hindi ka masaktan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-25-34-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa ‘yo. Pero, wala kang matatanggap na anumang bagay kapag hindi ka kumilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-14-25-36-41.
Comments