ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 19, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 19, 2025 (Miyerkules): Hindi lahat ng tao ay masuwerte at sinusuwerte. Gayunpaman, mapapabilang ka na sa mga masuwerteng tao ngayon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patuloy na guguhit sa kapalaran mo ang masasayang karanasan, ito ay upang ganap munang makalimutan ang mga araw na nagbigay sa iyo ng kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalapit mismo sa iyo ang suwerte, lalo na kapag niyakap mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng masaganang buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-22-24-25-27-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Lalakas pa nang lalakas ang negosyo mo. Kaya hindi ka dapat huminto at mamahinga ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-25-27-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang maganda sa iba, ‘yun din ang maganda para sa iyo. Hindi naman masama ang makigaya sa pagpapaunlad ng buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-21-23-37-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mas maganda kung patuloy mo pa ring patatatagin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-26-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit hindi ka nakahanda, kikilos ang iyong kapalaran para sa mas maunlad na kalagayan. Hindi dapat masayang ang pagkakataon, kaya kumilos ka ayon sa takbo ng pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-28-31-38-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang mga taong makakatulong para matupad mo ang mga ambisyon mo. ‘Wag kang mamili ng mga taong magiging pabigat sa buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-20-23-26-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumunod ka sa mga taong mas nakakaalam. Sa ganitong paraan, hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-25-29-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mo nang dagdagan pa ang iyong obligasyon. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-19-27-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inihahanda na ng langit ang mga malalaking suwerte na gugulat sa iyo. Kaya naman, ihanda mo na ang sarili mo sa pamamagitan ng pagtatakwil sa mga bagay na hindi maganda sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-29-3136-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling hahadlangan ng langit ang mga sagabal sa landas ng buhay mo. Ito ang araw na bibiguin sila at ipapahiya ng nasa itaas, habang ikaw naman ay patuloy na susuwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-22-26-28-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mo lang ang mga taong may wagas at dalisay na hangarin sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-22-33-36-42.
Comments