ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 19, 2024
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 19, 2024 (Lunes): Kabilang ka sa pinagpala. Ibig sabihin, masuwerte ka at ‘wag mong kaligtaan na magpasalamat sa itaas.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka kahit pa may iniinda kang problema. Ang taong masayahin ay binibigyan ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-13-21-30-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang mga bagay na nasa iyong harapan. Ang lahat ng ito ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-6-18-28-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang masyadong seryoso sa buhay. Ang harot at biro ay susi ng pagkakaroon ng masuwerteng kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-27-31-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong buhay. ‘Wag kang tumutol at umangal dahil dadalhin ka nito sa lugar kung saan masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-29-33-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Itaya mo ang iyong kapalaran sa araw na ito. Ang buhay sa mundo ay isang pakikipagsapalaran kaya ang mga taong ayaw makipagsapalaran ay walang aasahan sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-17-26-28-31-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naghihintay ang mga malalapit sa iyo na ikaw ay bigyang alalay. Hindi sila magdadalawang-isip, kaya naman hindi ka rin mabibigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-22-26-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon ka magkakaroon ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-19-23-33-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka! Marami ang gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Piliin mong mabuti ang papakitaan mo ng maganda. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-21-25-32-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tumulong ka sa mga tao. Ngayon ang tamang pagkakataon upang tulungan ang mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-15-18-28-32-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit papansin mo ang mga inggit sa iyo? Hayaan mo sila! Wala namang silang magagawa kundi ang mainggit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-25-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napakalakas ng dating mo sa mga taong may lihim na lungkot. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-16-21-28-31-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa isang maliit na suwerte, ikaw ay yayaman. Kaya huwag kang matakot na magsimula sa maliit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-20-26-33-41.
Comments