ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 18, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2025 (Martes): Hindi puwede sa iyo ang simple at maliit na ambisyon. Kaya dapat mong lakasan ang iyong loob para sa mas malaki mong pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling ibabalik ng langit ang mga araw kung saan muli kang susuwertehin. Kaya makipagsapalaran ka at huwag mo nang sayangin pa ang mga araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-18-23-39-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga taong buo ang loob, nang sa gayun ay mahawa ka sa kanila at huwag kang didikit sa mga mahihina, dahil mas lalo ka lang panghihinaan ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-27-33-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kontrolin mo ang iyong sarili. Hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa mabilisang pagsugod. Ang payo ay nagsasabing, huminto at pag-aaralan mo muna ang mga kaganapan sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-15-25-30-35.
CANCER (June 21-July 22) LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo. Kaya naman, kumilos ka na ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-18-28-37-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pahiramin mo ng tapang ang mga taong malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-16-24-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mawawala ang pag-aalinlangan mo ngayon at maaari mo na ring simulan ang matagal mo nang pinapangarap na proyekto. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-20-34-37-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lahat ng tao ay may masayang buhay. Gayunpaman, magpakasaya ka pa rin at haluan mo na rin ito ng pagsusumikap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-26-33-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag masaya ka, sasaya rin ang lahat. Subalit, kapag nalungkot ka, ikaw lang ang maiiwang mag-isa. Ito ang reyalidad sa ibabaw ng mundo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-27-30-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alalayan mo ang iyong kalusugan. Tandaan mo, walang halaga ang mga materyal na bagay kung may iniinda ka namang karamdam. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-23-31-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Karagdagang sigla ang regalo sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-14-22-35-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapahiya ngayon ang mga taong walang bilib sa galing at husay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-24-28-39-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong mauna ang gustong mauna, dahil sila rin naman ang unang mabibigo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-7-22-28-31-40.
Comentarios