top of page
Search

Horoscope | Pebrero 17, 2025 (Lunes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 17, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 17, 2025 (Lunes): Huwag kang mawawalan ng pag-asa, dahil may nakalaang suwerte pa rin naman sa iyo. Magkagayunpaman, makakaranas ka pa rin ng mga pagsubok.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit na matapang ka, makakaramdam ka pa rin ngayon ng takot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-23-28-34-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang aatras, dahil malalampasan mo rin naman ang mga pagsubok na iyong kinakaharap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-22-27-30-39-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kaya maganda ang kislap ng mga bituin, dahil nagbibigay liwanag ito sa dilim. Samantala, ngayon din kikislap ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-17-28-33-36-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi totoo na mahirap labanan ang mga pagsubok sa iyong harapan. Dahil kapag nagpakita ka ng tapang, ang iyong mga suliranin ay kusa ring maglalaho na parang bula. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-16-25-30-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon at pansamantala mo pang dededmahin ang iyong mga  problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-19-24-37-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Silipin mo muna ang hamon ng kapalaran. Kumbaga, huwag kang sugod nang sugod. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-27-33-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itakwil mo ang iyong mga kalabisan. Mas makakabuti kung mamumuhay ka ng simple. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-21-24-38-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mo nang tagalan pa ang pag-aanalisa ng mga bagay-bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-23-27-30-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabilis kang makakaabante kapag muli kang nakipag-ugnayan sa mga taong nakakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-28-39-40-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makakalayo ang mga taong hindi nakasayad ang paa sa lupa. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-19-25-29-36.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mararamdaman mo na ngayon na susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-26-31-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang pilitin ang mga taong ayaw sumama. Sa huli, magsisisi at manghihinayang din ‘yan sila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-10-14-18-27-37.

0 comments

Commenti


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page