top of page
Search

Horoscope | Pebrero 16, 2025 (Linggo)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 16, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 16, 2025 (Linggo): Kakaibang suwerte ang makukuha mo ngayon. Uulanin ka ng mga pagpapala, habang ang iba ay magrereklamo dahil kailanman ay ‘di sila nakaranas ng suwerte.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang bibigyan ng mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito sa anumang layunin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-12-29-37-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Subukan mo muna ang taong nagpapakita ng pagtingin sa iyo. Huwag mong kakalimutan na ang mabilisang pagmamahal ay nauuwi lang sa kabiguan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-18-25-34-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magigising ka na nasa bagong mundo ka. Mundo na may kaligayahan, subalit kailangan mo munang kalimutan ang nakaraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-13-20-31-33.

 

CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo nang mahigpit ang kasalukuyan at huwag kang magbabago ng landas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-18-27-36-38.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iba ang tututukan mo ngayon at mas papahalagahan mo na ngayon ang mga bagay kung saan makakaramdam ka ng pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-28-39-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Napakahilig mong makipag-debate. Gayunpaman, dito mo madidiskubre ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-17-24-25-31.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hangga’t hindi mo pa nakukuha ang gusto mo, ‘wag kang titigil. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-22-27-30-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag nahihirapan ka, umayaw ka na, dahil hindi ka naman ipinanganak para magdusa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-25-34-40-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag dinagdagan mo ang iyong puhunan, tiyak na mabilis kang yayaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-12-20-23-32-35.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sikapin mong maibalik sa iyo ang mga taong nawala sa buhay mo. Sundin mo ito kung ikaw ang nagkamali, pero kung wala namang problema sa iyo, hayaan mo na sila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-28-33-37-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magsayang ng oras. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-11-14-22-30-34.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gamitin mo na ngayon ang iyong kakayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-20-26-39-44.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page