top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Pebrero 16, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Pebrero 16, 2024


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 16, 2024 (Biyernes): Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang makakamit mong tagumpay ngayon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong imahinasyon upang mas mapaunlad mo pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-21-27-34-37-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sarili mo mismo ang iyong asahan. Mas maganda rin kung may inaasahan kang ibang tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-19-21-27-33.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama ang manggaya, lahat naman ng tao ay nangongopya. Masuwerteng kulay-blue.  Tips sa lotto-6-14-22-29-36-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kung saan ka masaya, 'yun ang gawin mo. Mamamali ka na naman ‘pag ang gagawin mong patnubay ay ang saya ng iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-25-28-31-37.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo silang magtampo sa iyo. Tutal, sanay ka na rin naman sa kanilang ugali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-19-22-26-32.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinahanap mo ba ang suwerte mo? Nasa tabi mo lang. Siya ang taong laging tumutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.  Tips sa lotto-5-7-14-20-28-34.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka man dapuan ng malaking suwerte ngayon. 'Wag kang mag-alala dahil may maliit pa rin naman na suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-18-27-33-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan at sinupin ang iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-22-29-34-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili. Mas malalaking suwerte ang magdadatingan sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-18-23-30-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makibahagi ka sa mga gawaing nagpapasaya sa mga tao. Makibahagi ka rin sa mga palitan ng ideya na nagpapaganda sa buhay ng bawat isa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-20-28-35-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag gusto mong paandarin ang iyong mga suwerte, magpalipat-lipat ka ng lugar. Kumbaga, huwag kang manatili sa iisang puwesto lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-9-14-23-34-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang diwa sa Semana Santa, “Magbigay ka para makatanggap ka.” Ang matatanggap mo ay mas malaki kesa sa mawawala sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-22-25-31-38.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page