top of page
Search

Horoscope | Pebrero 15, 2025 (Sabado)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 15, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 15, 2025 (Sabado): Patuloy na gaganda ang kapalaran mo, kahit pa may mga pagkakataong hindi mo maramdaman ang iyong mga suwerte.  


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling babalik ang malakas mong karisma. Puwede mo itong pakinabangan sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-23-28-35-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapahamak ang mga taong hindi makikinig sa iyo, habang malalaking grasya naman ang makakamit ng mga taong makikinig sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-24-33-39-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mo nang pagbigyan ang mga taong paulit-ulit nang nagkamali sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-25-32-41-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malungkot kung lalayo sila sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-17-29-36-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ibahagi mo sa iba ang ilang mga suwerte mo. Sa ganitong paraan, mas lalo kang hahangaan ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-18-28-30-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailangan ng lupa ang ulan. Maging ikaw, kailangan mo rin ng dilig, nang sa gayun ay manariwa muli sa iyo ang maganda mong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-24-26-41-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gaano kabilis ang ulan, nagbibigay pa rin ito ng kaginhawaan sa mga pananim. Tulad ng ulan, tumulong ka sa ibang tao. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-15-21-34-36-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka kahit nalulungkot ka. Ito ang dapat mong gawin ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-14-25-33-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hangaan mo ang mga taong tapat at layuan mo ang mga taong may ibang motibo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-17-27-36-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sasaya ka kapag sinakyan mo ang magagandang trato sa iyo ng bago mong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malungkot ang mag-isa. Kaya naman, tanggapin mo na lamang ang katotohanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-25-28-34-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi tama na dahil lang sa inis mo ay masisira na ang diskarte mo. Mainis ka lang, pero ipagpatuloy mo pa rin ang mga plano mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-29-35-38-40.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page