ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 12, 2025
![Horoscope](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_40554b57cb2c44519c068319e747153e~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/bd1fd9_40554b57cb2c44519c068319e747153e~mv2.jpg)
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2025 (Miyerkules): Huwag mong patulan ang mga taong mababa, dahil nakalaan ka para sa mataas na kalagayan. Kaya naman, sa mga taong matataas ka makipagbungguan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magyabang kahit pa ikaw ang nakakalamang sa karamihan, lalo na’t kung kapos sila sa kaalaman at ideya kung paano paunlarin ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-13-29-31-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itaas mo pa ang iyong pangarap. Mabigo ka man, mataas pa rin naman ang iyong babagsak. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-28-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Matatalo mo ang iyong mga karibal sa pamamagitan nang mabilis na pagsasagawa ng mga naiplano muna. Maiiwan mo sila ng milya-milya hanggang sa hindi na sila makahabol pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-19-22-24-27.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit medyo pagod at hirap ka na, ipagpatuloy mo rin ang pagsisikap. Madalas ang tagumpay ay natatabunan lang ng mga anino ng pag-aalinlangan. Ito ang mensahe para sa inyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-25-33-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bakit ka susuko sa harap ng mga taong mapagpilit? Kaya sila nagpupumilit ay dahil alam nila sa kanilang sarili na malabo nilang makuha ang kanilang pinakahahangad-hangad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-20-26-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ngayon ng iyong talino sa mas mataaas pang kalagayan. Maaninuhan mo ang mga nag-aakalang mas magaling sila sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-23-33-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas sasaya pa ang iyong mga karanasan sa susunod na mga araw. Ito ang magandang balita sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-21-27-34-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang iyong kailangan. Minsan, inaakala natin na tayo ay malakas na, pero sa katunayan, anumang sandali ay puwede pa rin tayong dapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-7-12-26-31-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung hindi ka nagpapagamit sa iba, tiyak na mabilis kang aasenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-23-25-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang mga oras mo sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Mas maganda kung makikinig ka ng masasayang musika. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-23-28-30-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paramihin mo ang mga bagay na meron ka. Ang unang utos na magparami ay hindi lang tungkol sa lahi, kundi sa pagpaparami rin ng kabuhayan at ang mga ari-arian. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-18-20-24-34-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka na agad bago pa dumating ang araw ng mga puso. Minsan nababawasan ang saya at sarap kapag walang tiyak na plano. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-22-27-39-41.
Comments