top of page
Search

Horoscope | Pebrero 11, 2025 (Martes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 11, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2025 (Martes): Magmumula sa mga mas mababa ang mga suwerte mo. Kaya pasayahin mo sila para pasayahin ka rin ng langit. Ito ang hiwagang nakapaloob sa araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaking bagay ang para sa iyo, kaya hindi ka puwede sa maliliit na negosyo o pagkakakitaan. Kung sakaling maliit lang ngayon ang iyong negosyo, palakihin mo ito agad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-20-28-30-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Walang ibang dapat mangialam sa mga gagawing mong desisyon. Ikaw lamang at wala ng iba pa ang dapat magpasya nito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-21-23-39-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang basta-basta maniniwala. Sa katunayan, sapat na ang talino’t karanasan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-14-26-34-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Muli kang babalikan ng mga suwerte na para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-28-30-32-36-47.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalayo sa iyo ngayon ang mga taong malalapit sa iyo, habang lalapit naman sa iyo ang mga taong malayo sa iyo. Ang ganitong galaw ay tinatawag na pagsasaayos ng kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-15-22-25-39-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makipagtalo ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-23-38-40-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masasagot na ngayon ang iyong mga katanungan. Huwag kang mag-alala at mangamba, dahil ang atensyon ng langit ay nakatutok na sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-25-27-39-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag-kaalaman ang makukuha mo sa pakikipagkuwentuhan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-11-14-17-24-33.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itaas mo ang iyong ulo at lumakad ka na may tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-27-31-42-46.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nahihirapan ka ngayon, dahil ayaw mong palayain ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-25-29-39-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na para bang sinusuwerte ka na. Kapag nagawa mo ‘yan, tiyak na malalaking suwerte ang dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-18-21-28-30-34.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi maganda kung magagalit ka ngayon. Kaya naman, patawarin mo na ang mga taong nakagawa ng pagkakamali sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-19-22-30-44.

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page