top of page
Search

Horoscope | Pebrero 10, 2025 (Lunes)

BULGAR

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 10, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 10, 2025 (Lunes): Ito ang araw na sadyang inilaan para sa iyo. Anuman ang iplano at isipin mo, tiyak na mapapasaiyo ngayon. Kaya naman, kumilos ka na ngayon!


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hanapin mo ang saya at tigilan mo na ang kalungkutan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-30-37-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga taong paladaing. Ito ang mensahe sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-12-20-25-31-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Madaragdagan ang masasayang karanasan mo. Pero hindi dapat mabawasan ang laman ng iyong bulsa. Ito ang bilin sa iyo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-23-37-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang puso mo, dahil mapapatibok ito ng taong masayang kausap. Hindi pa ngayon ang oras para palitan ang iyong minamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-25-30-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na mas makapangyarihan ang mga kamay mo kesa sa isip mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-27-33-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maniwala sa mga salitang iyong maririnig. Ang paniwalaan mo ay ang iyong pandama. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-24-26-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Puwede mong samantalahin ang pagkakataong ito na humiling ng mga bagay na gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-22-28-32-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang iyong kasiyahan, lalo na’t matutupad na ngayon ang matagal mo nang hinihiling. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-15-21-27-31-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magplano kang mabuti, nang sa gayun ay makuha mo ang mga bagay na gusto mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-36-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mauubos ang mga taong aalalay sa iyo. Dahil lihim silang nakatanggap ng utos mula sa langit na dapat silang makibahagi para matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-20-22-28-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mawawala ang mga alalahanin mo ngayon at kakaibang sigla ang mapapasaiyo. Kapag nakaramdam ka ng kakaibang sigla, ang suwerte at magagandang kapalaran ay mapapasaiyo na. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-11-16-24-30-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ingatan mo ang mga bagay na nasaiyo na. Ito rin ang dapat mong isabuhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-25-33-42-45.



Recent Posts

See All

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page