ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| October 04, 2021
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2021 (Lunes): Totoong masuwerte ka kaya marami ang sinusuwerte dahil sa iyo. Kaya ang payo ay unahin mo ang iyong sarili bago ang iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong simulan muli ang tapos na. Ang mas maganda ay sa bago ka magsimula dahil ito ang tamang paraan sa pagbabago ng kapalaran. Oo, simulan mo ang bago dahil ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-20-23-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatangay sa kagustuhan ng iba dahil kayo ay magkalapit sa isa’t isa. Manindigan ka at siya ang dapat na sumunod sa kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-15-24-36-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Palagi namang may nakaharang sa landas ng buhay na tinatahak ng isang tao. Kaya hindi naman malaking bagay para sa iyo ang mga pagsubok na iyong makakaharap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-21-27-32.
CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong damdamin. Hindi ngayon ang tamang panahon para ilabas mo ang iyong mga saloobin. Ang ngayon ay para pa rin sa pagtitiis nang may pagmamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-29-30-33-38-42-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mangyayari ang gusto mo, sa halip, ang mangyayari ay kung ano ang dapat mangyari. Ang mga kagustuhan mo ngayon, aminin mo man o hindi ay wala sa tamang panahon para mangyari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-22-26-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka mahihirapan, ‘yun ang piliin mo. Mahirap maunawaan ang buhay sa mundo. Sa ngayon, ang mga suwerte mo ay nasa mga bagay na mahihirapan ka muna. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-15-24-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kung sino ang hindi mo kasundo, siya pa ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Ito ay mangyayari nang hindi naman niya sinasadya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-16-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi paramihan ng kilos ang paraan upang umasenso. Ang kailangan lang naman ay tutukan ang nag-iisang pangarap. Kaya mamili ka ng isa sa marami mong kagustuhan sa buhay at ‘yun lang ang gawin mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-28-35-42-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong malutas nang kusa ang mga suliranin at sakit ng ulo mo. Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo. Isang batas ito ng kalikasan na hindi puwedeng hadlangan ninuman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-20-29-31-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makiuso ka, ibig sabihin, iwan mo muna ang makalumang mga paniniwala. Kung hindi mo iiwanan, mahirap tanggapin ang katotohanan. Sa maniwala ka o hindi, ikaw ay ang maiiwanan ng panahon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-28-30-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mangahas na kaya mo ang isang bagay na hindi kinaya ng iba. Kung gusto mong kayanin, pag-aralan mo muna kung paano nabigo ang mga naunang sumubok. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-21-29-31-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kitang-kita ang puwede mong makuhang mga suwerte sa buhay. Pero may kalaliman ito kaya ihanda mo ang iyong sarili na mahirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-28-30-33.
Comentários