top of page
Search
BULGAR

Horoscope | October 7, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 7, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 7, 2024 (Lunes): Obligado mong lisanin ang bayan na iyong sinilangan, dahil ito ang susi sa katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang pagkakalooban ng mayamang imahinasyon. Mahalaga ito para patuloy kang umasenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-17-29-33-36-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hihilahin ka ng iyong sarili para lumabas sa iyong bahay, dahil ang matagal na pananatili sa bahay ay hindi nakakabuti para sa iyong katawan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-14-25-38-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ipagkakaila mo ngayon ang katotohanan, pero hindi ito kasalanan, dahil isang klase lang ito ng pagkukubli para sa ikagaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-21-30-39-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong tagalan ang pagpapasya, para ‘di ito mawalan ng saysay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-15-26-35-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang tunay, iyon ang iyong ipakita para wala kang pagsisihan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-14-18-28-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magduda sa kakayahan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-27-32-38-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang para sa iyo, iyon ang kunin mo. Huwag kang papayag na kunin ng iba ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-13-25-33-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawak mo muli ngayon ang alas na baraha. Pero kailangan mo muna itong ilapag sa mesa ng pakikipagsapalaran. Ibig sabihin, itaya mo ito para matiyak ang iyong pagkapanalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-21-28-37-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga kumokontra sa iyo. Sa huli, makikita nilang tama ka, at mare-realize nila na kailangan pala nilang dumikit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-23-33-38-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka puwedeng umatras. Mas maganda kung aabante ka, kahit na sa biglang tingin ay hindi mo kakayanin. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-10-19-26-36-39.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ito para sa iyo, pero nagawa mo itong makuha. Kaya naman nagpasya ang langit na sa iyo na ibigay ang hiwaga na siyang daan upang mas lumigaya ka. Masuwerteng kulay-white.  Tips sa lotto-1-18-21-27-34-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniniwala sa mga easy money. Hindi ka dapat mapabilang sa lumolobong hanay ng mga taong nagsisisi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-16-24-30-33.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page