top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | October 6, 2024 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 6, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 6, 2024 (Linggo): Magsasawa ka sa sarap ng buhay na paulit-ulit na guguhit sa iyong kapalaran na tila ba wala nang katapusan. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tukso ang nasa likod mo, tukso rin ang nasa kaliwa at kanan mo. Pero sa harapan mo, naroon ang pangako ng magandang buhay kaya magpatuloy ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-35.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung langit ang tatanungin, hindi pa sapat ang magandang buhay mo ngayon. Kaya naman padadalhan ka pa Niya ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-11-17-27-36-44.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Inspirasyon ang makukuha mo sa mga bago mong kakilala. Ingatan mong mahulog ang iyong loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-14-23-32-37-45.

 

CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang malakas mong karisma. Maaakit sa iyo ang sinumang mapalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-20-25-38-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka makakaranas ng suwerte hangga’t makasarili ka. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-21-26-34-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malakas ang pang-akit ng taong may matalas na isip. Nakakagayuma ang taong matalino at maraming nalalaman. Ikaw ay kabilang sa mga nasabing nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-16-25-30-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, binigyan ka ng pribilehiyo na hawakan ang iyong kapalaran. Pagbutihin mo dahil ang ibig sabihin nito ay magagawa mo anumang gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-23-31-38-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantala, ang tao ay nabubuhay sa kanyang sarili. Pero hindi rin ito magtatagal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-22-28-39-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Ito ang isa sa pinakamabisang pormula ng pagpapayaman. Huwag kang tumulad sa iba na nilulustay ang kanyang kabuhayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-19-24-31-44.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito sa kung sino ang seryoso sa iyo. Sinusubukan lang nila ang talas ng espada sa init ng apoy at lamig ng tubig. Ipakita mo ang hindi maganda sa iyo, kung sino ang manatili, siya na. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-10-14-28-30-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malalim ang salita ng tunay na hula. Pero sa iyo, ngayon ay simpleng-simple lang at madaling maunawaan dahil sinasabing ang mga suwerte ay magsisilapit mismo sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-25-29-39-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa salita nang salita dahil ang mga mandaraya ay walang tigil sa kasasalita. Mag-ingat ka dahil sila ay magdaratingan sa iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-27-34-36-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page