ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 5, 2024
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 5, 2024 (Sabado): Kakambal mo ang suwerte. Walang magagawa ang mga tao nasa paligid mo, kundi aliwin at saluduhan ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Kung hindi ka maagap, maraming oportunidad ang makakalampas sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-17-20-23-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi para sa iyo ang taong mabagal at makupad. Sa kanyang kabagalan at kakuparan, mawawala ang iyong pagtingin. Hindi ba’t nakakapanghinayang? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-14-29-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Saan ka man magpunta, o anuman ang iyong gawin, ang mga suwerte ay nakasunod pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-28-34-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Napakadulas mo ngayon. Ang mga lihim mong kaaway ay maguguluhan kung paano ka nila maiisahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-24-26-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matamis na tagumpay ang iyong makakamit, lalo na kung ito ay iyong pinaghirapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-16-29-32-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay buwenas. Sino naman kaya ang mamalasin? Eh ‘di ‘yung mga taong naghahangad na ikaw ay mabigo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-23-31-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Titirahin ka ngayon ng iyong mga kaaway, pero sila rin ang masasaktan. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-20-25-28-33-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malapit nang matapos ang malaking problema mo, at ngayon na rin magsisimulang magbago ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-17-22-27-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dignidad ang isa sa mahalaga na dapat mayroon ang isang tao. Pangalagaan mo ang magandang tingin sa iyo ng mga kakilala mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-18-21-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghuhugas ng kamay ang mga nakagawa ng kasalanan. Luwagan mo ang puso mo, at muli mong pagbigyan ang mga taong nagkamali sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-23-29-31-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumbukin mo mismo ang sanhi ng problema. Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-26-35-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang saya ang iyong mararamdaman ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-16-20-25-37-44.
Comments