top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | October 4, 2024 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 4, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2024 (Biyernes): Ibahagi mo sa iba ang iyong suwerte. Ito ang susi para patuloy na umagos ang maganda mong kapalaran.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kalilimutan na ang panlabas na kaanyuan ay umaakit lang sa mata, habang ang panloob na kagandahan ay ang umaakit sa puso. Ito ang susi para lumigaya ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-11-18-26-28-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Luwagan mo ang patakaran na ginawa mo para umasenso ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-29-31-36-38-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Tumaya ka sa laro ng buhay. Kapag nanalo ka, tiyak na liligaya ka. Ito ang mensahe sa iyong kapalaran.  Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-23-27-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na may mga magagandang oportunidad ang magbubukas para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-21-24-35-40.

 

 LEO (July 23-Aug. 22) - Naiipon ang sama ng loob mo sa isang tao. Hindi ito maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-20-29-33-38.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi na maganda para sa iyo ang sumunod sa payo na mag-diet. Sundin mo ang sarili mo, dahil alam at nararamdaman mo na kailangan munang kumain ng masasarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-16-23-25-37-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Wala ka namang magagawa kundi ang umayon sa mga naririnig mong hindi magaganda. Pansamantala, ‘wag ka munang umangal para hindi na lumala pa ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-26-31-35-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto kahit pa mahirapan ka, dahil  hindi rin magtatagal, makikita mo rin ang liwanag ng iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-22-26-37-39.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na makikiisa na sa iyo ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-24-27-34-45.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghihilom ang sugat kahit pa gaanong kalalim. Ang posibilidad ng pakikipagbalikan ay nasa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-28-30-33-36-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Papasok ang bagong panahon ng iyong buhay, at para sa iyo ito ang panahon ng pamamasyal. Bawat aktibidad ay iplano mo para hindi masira ang iyong araw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-17-21-35-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabalita ang araw na ito na papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-18-29-32-43.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page