top of page
Search
BULGAR

Horoscope | October 28, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 28, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 28, 2024 (Lunes): Mula nang ika’y isilang, dala mo na ang iyong suwerte. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadalawin ka ng magandang kapalaran na inayawan ng mga mayayabang. Kapag natagpuan kang mapagpakumbaba, ang buhay mo ay mapupuno ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-23-29-33- 41.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka ngayon. Pangalagaan at sinupin mo ang magagandang kapalaran na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Kumbaga ‘wag mo itong sayangin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-24-27-35-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Samantalahin mo ang mga suwerteng natatanggap mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-15-22-35-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hindi na mahalaga kung ano ang laman ng isip at kalooban mo, dahil nagpasya na ang langit na bigyan ka ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-28-39-42.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang kumilos para marami kang makuhang magagandang bagay. Depende sa pagkilos mo ang mga suwerteng mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-25-35-37-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Araw mo ngayon. Kaya tigilan na ang mga pangarap mo na hindi mo naman natutupad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-24-38-41-45.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayon pa lang magdadatingan ang mga suwerte mo. Kaya kung feel mo hindi umuusad ang iyong buhay, totoo iyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-13-15-26-33.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakatuwa ang mga kaganapan ngayon, dahil babalewain mo ngayon ang mga palatandaang hindi tapat sa iyo ang isang malapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-12-23-32-36-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang isingit mo ngayon. Sa pagpapahinga, muling mananariwa ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-21-29-33-37.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil hindi niya hinayaan ang mga hindi magagandang puwersa na sirain ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-10-17-26-35-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nahaharap ka sa dalawang magkaibang landas ng buhay. Ang una ay yayaman ka sa abroad at ang isa ay yayaman ka sa pakikipagrelasyon. Anuman ang piliin mo, yayaman ka pa rin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-13-23-28-30-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi lahat ng tama ay nararapat. Sa kasalukuyan, ang dapat na isabuhay mo ay ang pagbabalewala sa pag-ibig na wala sa tamang panahon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-10-14-18-29-33.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page