top of page
Search
BULGAR

Horoscope | October 22, 2024 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 22, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 22, 2024 (Martes): Malakas ka ngayon, kaya may takot sa iyo ang mga nakakaaway mo. Ang lakas mo ang magdadala sa iyo sa salapi at materyal na bagay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka. Nagbabantay at naghihintay lang ang mga kaaway mo na magkamali ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-11-19-23-27-39-33.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umaangat ang buhay ng taong  may positibong pananaw sa buhay. Ito ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-16-21-28-31-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Sa tuwing babagsak ka, tumayo ka agad. Huwag mong isuko ang iyong pangarap anuman ang iyong maranasan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-26-35-38-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Damhin mo ang saya at ligaya na nakikita mo sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-25-30-32-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan mas gaganda ang iyong kinabukasan, iyon ang iyong piliin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-20-24-28-31-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakukuha ng mga taong positibong pananaw ang kanilang kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-18-27-38-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hadlangan ang sarili mo na lumigaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-24-26-38-40-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Para sa iyo ang huling  halakhak. Sa huli, hindi nila lubos na aakalain na sila pala ang talunan at hindi ikaw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-24-29-33-36-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bakit mo pa itutuloy ang pakikipagsapalaran kung alam mo namang talo ka? Makipagsapalaran ka kung may posibilidad na manalo ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-22-32-36-40-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patas ang timbangan ng kapalaran. Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-23-25-39-43-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong itago kung ano ka talaga.  Sa huli, ang mga mapagkunwari ang siyang nasasaktan. Maging tapat ka sa iyong sarili at sa ibang tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-21-31-38-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit papansinin mo ang mga taong reklamador?  Hindi lang ang karamdaman ang nakakahawa. Ito ang iyong isipin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-19-35-40-44.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page