ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oktubre 22, 2023
Sa may kaarawan ngayong Oktubre 22, 2023 (Linggo); Marami ang gagamit sa iyo dahil sa mga suwerteng dala-dala mo. Huwag kang masyadong magpagamit dahil kailangan mo ring unahin ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag nahirapan kang isulong ang mga kagustuhan mo, huwag kang aayaw. May mga pagkakataon sa buhay ng tao na siya ay nahihirapan, pero nakukuha rin naman ang pinangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-24-33-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag hindi ka makatulog, huwag mong sundin ang payo na magbilang ng mga tupa. Mas magandang bilangin mo ang mga napagtagumpayan mong mga pagsubok. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-24-27-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Bawat kilos ay pag-aralan mo na. Isabuhay mo ang hinto, isip at sugod, gayundin ang hinto, isip at atras muna. Sa ganitong paraan, ang mga kabiguan ay hindi mananaig sa iyo magpakailanman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-14-23-29-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magalit sa mga taong hindi nagpakatotoo sa iyo. Pero, para hindi na muling sumama ang iyong loob, huwag kang magtitiwala sa kahit na sino. Sarili mo lang ang iyong pagkatiwalaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-25-27-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masisira ang mga darating mong araw kung hindi mo hahayaan ang iyong mga nakaraan na magpasya kung ano ang gagawin mo sa kasalukuyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-23-26-31-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malawak ang dagat, malawak din ang langit. Ang totoo, malawak din ang sarili mong mundo. Huwag mong limitahan ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-12-23-21-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang magpasya kung ano ang gusto mo sa buhay. Huwag mong hayaan na manghimasok ang ibang tao. Sa ganitong paraan, mabubuhay ka nang masaya. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-16-22-25-35-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hanapin mo ang daan habang pinauunlad ang iyong kabuhayan. Ito ang tunay susi ng tagumpay na dapat mong malaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-21-25-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nag-iipon ng lakas ang malalakas. Nagsasayang naman ng lakas ang mahihina. Huwag kang sugod nang sugod, huwag ka ring sobrang magkikilos. Pahinga ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-15-33-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pagtatangkaan kang gamitin ng ibang tao para sa sarili niyang layunin. Mabibigo siya dahil mali ang kanyang akala na hindi mo siya mahahalata. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-14-20-29-32-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka puwedeng bumalik sa nakaraan para itama ang iyong naging pagkakamali. Pero ang iyong hinaharap ay magiging maayos kung aayusin mo ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-25-28-36-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng aral sa buhay sa mga nasaksihan mong masaklap na nangyari sa mga tao. Hindi lang sa sariling karanasan natututo ang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-21-29-37-42.
Comentarios