top of page
Search
BULGAR

Horoscope | October 17, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Oct. 17, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 17, 2024 (Huwebes): Makakatanggap ka ngayon ng malalaking suwerte, ito ang dahilan kung bakit ka pinatatag at pinagtibay ng iyong kapalaran.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipaglaban mo kung ano ang alam mong tama. Sa ganitong paraan, mas lalong lalapit sa iyo ang magagandang bagay na ipinagdamot ng langit sa mga hindi naninindigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-19-29-35-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Parating na ang mga suwerteng matagal mo nang hinihintay. ‘Wag mong kalimutan ang mga ipinangako mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-22-33-37-40-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kasiyahan ang magsisilbing mong magnet para mas maakit mo ang mas marami pang masasayang kapalaran. Kaya naman ‘wag kang magpapatalo sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-19-28-39-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kapag maganda ang takbo ng buhay at pag-ibig mo, gaganda rin ang takbo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-37.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ibaba mo ang sarili mo kapantay ng mga pangkaraniwan. Sa ganitong paraan, mas susuwertehin ka dahil ang langit ay labis na matutuwa sa pinapakita mong kababaang-loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-21-23-38-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga ideyang naglalabas-masok sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-22-25-27-32-36.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong alahas kahit na nasa loob ka lamang ng iyong bahay. Ito mismo ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-20-24-28-34-41.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo nang maluwag sa iyong loob ang mga kaganapan kahit pa hindi mo ito gaanong maunawaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-22-38-40-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sundin mo ang mga plano mo. ‘Wag mo itong babaguhin, kahit pa may marinig kang mas maganda rito. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-11-19-23-37-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon na nagpasya ang langit para mas gumanda ang iyong kapalaran. Kaya naman, tiyak na susuwertehin ka na sa last quarter ng taong ito. Magpasalamat ka palagi sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-21-25-28-31-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakabahagi ka ng mga biyayang ihuhulog sa iyo ng langit. Para mas marami at mas malaki ang mapasaiyo, ang payo ay nagsasabing isuot mo ngayon ang paborito mong damit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-30-33-36-38.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang manatili sa isang puwesto para magdatingan sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-23-29-35-41.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page