ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 9, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 9, 2024 (Sabado): Bagay sa iyo ang malalaking ambisyon. Kaya hindi ka dapat mangarap ng maliit, dahil noon pa man ay nakatakda ka nang magtagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kunin mo ang mga bagay na kaya mong kunin. Gayunman, huwag na huwag mong kunin ang mga bagay na alam mong mahihirapan ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-20-24-33-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malapit na ang Kapaskuhan. Kapag nagsimula nang sumaya ang paligid, ito ang senyales na sasaya, sisigla at gaganda na ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-22-31-34-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Malaking hamon ng kapalaran ang nasa landas ng iyong buhay. Huwag mo itong atrasan at ayawan. Ito na ang pagkakataon mo para palarin ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-20-28-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Bibiruin ka ng iyong kapalaran ngayon. Aakalain mong pinagdadamutan ka ng ligaya. Sa katunayan, ngayon na bubuhos ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-24-27-33-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gagamitin ka ngayon ng langit para pasayahin ang mga taong malulungkot. Huwag kang mabahala dahil ang mga taong ginagamit ng langit ay binibiyayaan ng sapat na suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-26-29-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong hawakan ang hindi mo kaya. Sa huli, malalaman niyang siya pala ay nakagawa ng malaking pagkakamali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-10-13-22-28-39-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka bagay sa mga taong materyoso. Kung nagkataong bahagi siya ng buhay mo, mag-isip-isip ka na dahil maaari kang masaktan ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-16-18-20-24-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Susuko sa iyo ang pinakamahigpit mong karibal dahil magigising na siya ngayon sa katotohanan na ang mga ginagawa niya ay maaari lang mauwi sa walang kabuluhan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-21-27-30-34-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alalayan ka ng langit sa lahat ng pagsisikap na iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-25-28-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natutuwa sa iyo ang langit dahil sa pagpapahalagang ginagawa mo sa mga biyayang natatanggap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-28-30-33-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huminto ka muna. Ang mga taong nagda-drive sa kalsada ay humihinto rin kapag may kakaibang nararamdaman sa kanilang katawan. Muli, mamahinga ka muna. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-10-14-16-23-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Puntahan ang gusto mong puntahan. Mas maganda kung pagbibigyan mo rin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-22-27-30-39.
Comentarios