ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 26, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 26, 2024 (Martes): Marami ang aasenso at yayaman dahil sa iyo. Kaya naman, payamanin mo rin ang iyong sarili para hindi ka magsisi.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Masikip at mahirap tahakin ang landas ng iyong buhay, ito ang nasa isip mo ngayon, hindi ba? Pero hindi ka dapat mag-alala, dahil hindi naman ito totoo. Mag-isip ka ng positibo para mas mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-15-24-36-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa malapit ang suwerte mo, kaya ‘wag mo na itong hanapin pa sa malayo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-22-29-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil magiging abala ang isip mo sa mga wala namang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-23-31-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Maghintay ka ng magandang pagkakataon, nang sa ganun ay mas marami at malaki ang mapakinabangan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-16-25-29-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang na masingitan ka ng iyong karibal. Sa labis niyang kasiyahan, may tsansang makalimutan niya na may mas mahalaga pa pala siyang dapat asikasuhin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-10-19-25-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makialam sa gulo, kahit pa pakiusapan ka nila. Kusa rin naman silang magkakaayos at magkakabati kahit hindi sila pagkasunduin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-23-27-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan may mga pagsubok, doon ka lumugar. Ito ang tamang araw para ilabas ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-15-21-36-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon na ang tamang panahon para bumuo ka ng plano sa buhay mo na nakatutok sa personal mong kaligayahan at sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-18-27-33-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang dating hinahangaan mo sa mabilis na paggawa ng proyekto, sa kanya ka humingi ng tulong. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-15-21-30-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipakita mo na taglay mo ang kakayahang talunin ang malakas sa paningin ng marami. Huwag mo itong atrasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-26-29-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nauna mong paninindigan, iyon ang iyong kapitan. Ang pabagu-bagong pasya ay hindi maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-22-34-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag gumanda na ang pagkakataon, saka ka kumilos para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-16-23-28-31-43.
Commentaires