ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 24, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 24, 2024 (Linggo): Iba’t iba ang papel na ginagampanan ng bawat tao sa mundo. Kumbaga, may kani-kanyang kapalaran ‘yan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagpaparami ang tawag sa araw na ito. Kaya paramihin mo ang nasa sa iyo para patuloy itong lumago. Huwag mong pagkaabalahan ang mga bagay na wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-17-23-29-33-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itutulak ka ng sarili mo na pumasok sa negosyo. Yayaman ka kapag hindi mo kinalimutan ang pagiging masinop at mapagpahalaga. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-25-27-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan para sa iyo. Ngayon ka pinahihintulutan ng langit na gawin kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-29-32-36-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang iyong madarama. Subalit, huwag mong ipagpalagay na ito ay may kaugnayan sa buhay pag-ibig. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-16-25-28-32-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Inuutusan ka ng iyong kapalaran na magbawas ng mga kaibigan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-9-18-28-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, agad na kikilos ang langit para bigyan ka ng suwerte. Huwag mo na lagyan ng mga kung anu-ano’ng dekorasyon ang iyong panalangin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-23-35-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikislap na naman ang iyong kapalaran. Pero ikaw pa rin ay binabalaan dahil baka magkamali ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-17-24-36-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo dapat pakinggan ngayon ang sinasabi ng iyong isip. Hindi naman mahalaga sa iyo kung tama ba o hindi ang ikikilos mo, ang mas pahalagahan mo ngayon ang iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-9-18-23-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paganda nang paganda ang takbo ng kabuhayan mo. Hindi ka puwedeng magkamali ngayon, kaya naman ituloy mo lang ang iyong ginagawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-20-22-28-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis ang mga kaganapan ngayon na para bang hindi mo makontrol ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-17-29-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi ka puwedeng itali o ikulong ninuman. Mabibigo at mapapahiya lang ang sinumang mag-akalang ikaw ay kanyang bihag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-27-32-35-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang hinihingi sa iyo, agad mong ibigay. Ito mismo ang magiging daan para dumagsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-13-29-33-42.
Comments