ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 23, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 23, 2024 (Sabado): Hindi ka magtatagal sa pamamasukan, dahil ang utos sa iyo ng iyong kapalaran ay ang magnegosyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang magpapaganda sa buhay mo. Kaya kahit nag-aalinlangan ka, kumilos ka ayon sa iyong kagustuhan. Ang pagiging mabagal ay magbubunga lamang ng panghihinayang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-23-31-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo ang iyong sarili dahil may babala na mabilis ka mapapasang-ayon sa mga bagay na hindi mo naman talaga gusto. Bago ka magdesisyon, sumangguni ka muna sa matalik mong kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-13-29-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling ibabalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad. Ito ay para malaman ng mga lihim mong kaaway na hindi pa ubos ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-19-25-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Malaki ang tsansa na magbago pa ang isip mo dahil magigising ka sa katotohanang ikaw pala ay nagkamali. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-15-22-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis na iinit ang ulo mo. Para maiwasan mo ito, lumayo ka muna sa mga taong nagkukunwaring marunong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-16-20-28-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang isip para ‘di ka rin magsisi. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-25-33-37-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasaya ka at kakaibang saya ang mapapasaiyo dahil ang buhay ay isang laro lang para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-27-33-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka pa ng pagkakakitaan. Minsan, kaya bumabagal umunlad ang tao ay dahil nananatili lang siya sa iisang aktibidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-17-20-23.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbabalik ang mga araw kung kailan muling mananariwa hindi lang ang iyong katawan kundi maging ang iyong kapalaran. Kaya huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-24-36-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, mamasyal ka sa lugar na alam mong sasaya ka. Kapag masaya ka, tiyak na susuwertehin ka. Nangyari na sa iyo ito at ito ay muling mangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-17-28-37-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makisabay ka sa masasayang tugtugin. Igalaw mo ang katawan mo sa himig ng awitin. Ito ang susi na magbubukas ng mga magagandang oportunidad na magpapaunlad sa iyong pagkatao at sa iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-13-25-30-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mangamba, pasukin at gawain mo ang magpapaunlad sa iyo. Hindi naman mahalaga kung may alam ka o wala kang karanasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-16-20-24-27.
Comments