ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 20, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2024 (Miyerkules): Huwag kang magsawang gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa para ‘di rin magsawa sa iyo ang langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon na ang magandang pagkakataon para kumilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-12-20-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tulungan mo ang mga nangangailangan upang ‘di rin mag-atubili ang langit na hulugan ka ng mga suwerteng iyong kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-24-27-34-42-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Humuhupa ang galit at maaari na itong mapalitan ng pag-ibig. Hindi man kapani-paniwala, pero lahat ng galit na iyong nararamdaman ay mapapalitan na ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-23-26-32-40.
CANCER (June 21-July 22) - Muling magbabalik ang mga araw na ikaw ay buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-19-24-38-41-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matututunan mong mahalin ngayon ang taong nagpapakita sa iyo ng kabutihan, kahit pa may minamahal ka na sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-22-25-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdamot para ‘di ka rin pagdamutan ng langit. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-19-29-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mahina ka ngayon. Kaya umiwas ka sa mga taong nagpapakita sa iyo ng maganda dahil sa ganitong paraan ka nila maiisahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-18-20-32-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigyang daan ang pakikipag-ayos. Mas masarap mabuhay, lalo na kung wala kang kaaway. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-17-25-39-41-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka, dahil maging ikaw ay nakakagawa rin naman ng mga pagkakamali sa iyong kapwa. Ang malawak na kaisipan ang susi para lumigaya ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-21-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maawa ka. Oo, tama lang na maawa ka. Pero dapat mo ring matutunang disiplinahin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-16-25-28-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumampi ka sa mga taong dapat kampihan. Ang mga mali ang katwiran ay hindi dapat kunsintihin. Ito ang gawin mong gabay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-23-31-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Muli kang binigyan ng pribilehiyo para sa iyo. Kaya naman, ‘wag mo itong sayangin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-16-18-20-27-35.
Comments