ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 2, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2024 (Sabado): Panatilihin mo ang iyong kababaang-loob, kapag ginawa mo iyan, tiyak na matutuwa sa iyo ang langit. Ito rin ang magiging dahilan kung bakit ka pagpapalain.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ang depensa mo sa mga taong mababait. Kahit magkamali sila, wala kang magagawa kundi ang manahimik at sila ay patawarin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-27-33-42-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang araw mo. Gawin mo na ngayon ang mga gawaing gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-22-31-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ang kabuhayan ang batayan ng kaligayahan, kundi ang bilang ng nagawang kabutihan sa kapwa. Ito ang iyong tandaan sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-25-29-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ngayon ang iyong oras, araw at kapalaran. Ito rin ay nagsasabing ang iyong tagumpay at kabiguan ay hawak mo rin ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-16-20-28-31-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Matatalo ka ngayon ng iyong sarili dahil na rin sa pagiging maunawain mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-10-26-34-37-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hanapin mo ang paliwanag kung bakit mabagal ang iyong tagumpay. Sa huli, makakaimbento ka ng katwiran na magbibigay sa iyo ng kalituhan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-23-32-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malakas ang dating ng maamong mukha kesa sa masungit na mukha. Piliin mo ang may maamong mukha dahil dito ka tunay na liligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-15-24-33-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakikita mo ang mga nagbulag-bulagan, subalit wala ka ring magagawa dahil hindi mo rin naman puwedeng ipagpilitan ang iyong gusto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-27-36-40-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag nahihirapan ka, bumitaw ka na. Ang tao ay isinilang para lumigaya at hindi para magdusa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-24-33-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dinaragdagan ang kulang. Kaya naman dagdagan mo pa ang iyong pagtitiyaga para lalo ka pang magtagumpay at yumaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-8-17-26-35-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Simpatya ang kailangan ng malapit sa puso mo. Ito ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-13-22-31-40-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi dumadapo ang mga suwerte sa taong gigil na gigil. Huminahon at maging kalmado ka, nang sa gayun ay dumapo sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-7-16-20-25-34.
Comments