ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 19, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 19, 2024 (Martes): Tunay ngang suwerte ka, pero kailangan mo pa ring maging masinop.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka magpunta nakasunod sa iyo ang saya. Dahil ang gusto ng langit ay lumigaya ka nang sa gayun ay magpatuloy ang iyong kasiglahan at positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-28-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan sa iyo ng kapalaran. Anuman ang iniisip at ginagawa mo, tiyak na matutupad. Oo, sa araw na ito, ipagkakaloob sa iyo ng langit ang matamis na tagumpay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-20-24-26-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang mga araw na ito na malilibang ka na naman sa mga nakakasama mo, hanggang sa makalimutan mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-23-29-36-42.
CANCER (June 21-July 22) - Habang maiksi ang kumot, matuto kang mamaluktot. Ito ang iyong isabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-18-25-31-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang nararapat, iyon ang iyong isabuhay. Ipinapaalala sa iyo na hindi lahat ng tuwid ay nararapat, at hindi lahat ng katotohanan ay sinasabi nang walang pakundangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-11-14-22-27-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Kapag hindi mo ito nagawa, mauuwi lang ito sa negatibo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-19-28-33-39-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling magbabalik ang malakas mong karisma at kumpiyansa sa iyong sarili. Hindi ka puwedeng maliitin ninuman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-25-32-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip mo lang ang iyong mga pag-aalala. Huwag kang mag-alala dahil madali lang ang solusyon para dito, ikilos mo ang mga kamay mo kahit parang ayaw mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumikit ka sa mga masayahin para lumigaya ka. Hindi mo kailangan ang mamahaling medisina para lamang malabanan ang malalim na lungkot na umaalipin sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-25-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maaalis ang kaba mo. Naiisip mo kung paano paghahandaan ang darating na mga araw na kung kailan ay obligabo kang mamigay ng mga regalo at pera sa mga kamag-anak at mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-13-16-26-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling nagbalik ang mga araw na aakalain mong hindi maganda ang takbo ng mga pangyayari, pero sa huli ang isisigaw mo ay para pala sa iyong kapakanan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-21-23-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibiguin ngayon ng langit. Ito ang iyong tandaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-22-30-34-40.
Comments