ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 15, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 15, 2024 (Biyernes): Gaganda ang iyong buhay. Kung sakaling pumangit ang iyong kalagayan, huwag kang mag-alala dahil muli itong pagagandahin ng tadhana.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napapaligiran ka ng mga tukso, natalo mo na ito noon. Gayunman, mag-ingat ka dahil mas malakas ang mga tukso na darating sa buhay mo ngayon. Kaya tibayan mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-24-27-30-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumating na muli ang araw, kung saan muli na namang lalakas ang iyong karisma. Puwede mo itong mapakinabangan, lalo na sa negosyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-23-28-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaaring magulat ka dahil sa isang kisap-mata, puwedeng mabago ang takbo ng iyong love life. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-14-25-32-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Bubukas ngayon ang pintuan ng grasya ng langit. Tanggalin mo ang mga negatibong katangian mo, nang sa gayun ay makinabang ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-27-31-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong gisingin ang natutulog. Hayaan mong manahimik sila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-21-24-28-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huminto ka, lalo na kung pagod ka na. Ito ang dapat mong tandaan ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-25-29-35-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyo ang araw na ito, ang sinumang magtangka na papangitin ang iyong araw, ang langit ang makakalaban niya at siya ay tiyak na mamalasin habambuhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-24-27-33-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mas maganda na ang handa kesa lakas lang ng loob ang iyong dala-dala. Ihanda mo ang iyong sarili sa paparating na mga pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-22-28-30-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na gawin mo ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-19-26-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag ‘di ka makatulog, bilangin mo ang saya at tagumpay na nakamit mo. Sa ganitong paraan, muling mapapanatag ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-16-23-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kunin mo ang para sa iyo. Huwag ka na mag-aksaya pa ng oras. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-17-21-28-41.
Comments