ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 14, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 14, 2024 (Huwebes): Magagandang ideya ang manggagaling sa iyo. Gayunman, kailangan mo pa rin itong lakipan ng kaukulang pagkilos dahil baka maunahan ka pa ng iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo habang nalilibang ang iyong mga karibal. Tumutok ka sa negosyo para maiwanan mo sila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-28-30-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa negosyo ka yayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-16-21-32-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Isa lang naman ang kailangan mong gawin para hindi ka mabigo sa buhay. Humakbang ka, para matupad mo na ang iyong mga ambisyon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-23-24-27-39.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang laman ng isip ng tao, iyon din ang mangyayari sa kanya. Magmadali ka at palitan mo na agad ng positibong pananaw ang nasa isip mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-22-28-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mukhang naaapektuhan ka ng mga taong bigo sa buhay. Naaawa at nalulungkot ka para sa kanila, gayunman puwede pa rin naman silang umunlad gaya mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-16-26-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ituro mo sa kanila ang mga ideyang naiisip mo at huwag mo silang pagdamutan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-5-19-27-29-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang inspirasyon ng mga taong pagod na sa buhay. At dahil sa iyo, muli silang sisigla. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-20-24-34-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ikaw mismo ang hadlang sa pag-asenso mo dahil binibigyang pansin mo ang mga negatibong pananaw na naglalaro sa iyong isipan. Maging positibo ka, nang sa gayun ay suwertehin ka! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-15-22-27-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na puwede kang magdahan-dahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-27-30-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aanihin mo na ngayon ang bunga ng iyong mga magagandang ginawa sa nagdaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-26-35-40-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung gusto mong umasenso agad, bilisan mo ang pagkilos. Samantala, kung gusto mo namang malayo ang iyong marating, kumuha ka ng inspirasyon sa taong palagi mong nakakasama. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-28-31-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka sa mga taong bigo sa buhay. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-14-24-32-43.
Comments