ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 11, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 11, 2024 (Lunes): Hawak mo na ngayon ang mga katangian para mapabilang ka sa mga taong successful.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong sayangin ang iyong buhay para lang maunawaan ang ibang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-21-28-30-32-35-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kapag mabigat, matuto kang magbawas. Hindi mo puwedeng kimkimin ang lahat ng sama ng loob mo, dahil baka magkasakit ka lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-15-26-39-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pilitin na makiayon sa mga kagustuhan nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-16-23-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kailangan mo ngayong kumilos para sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-22-28-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag ka lang basta manood. Ang buhay ay hindi isang palabas, dapat kang makibahagi sa mga pagsisikap ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-17-20-29-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang mga magagandang ideya mo. Sa totoo lang, malabo namang isabuhay mo ang mga ito, pero mas maganda kung mapapakinabangan ito ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-24-27-32-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi makakabuti sa iyo ang mabilis na pagbabago ng pasya. Puwede mo naman itong baguhin, pero dapat mo muna itong pag-aralang mabuti. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-22-25-28-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makisama sa mga talunan. Bagkus, dumikit ka sa mga taong sinusuwerte, nang sa gayun ay suwertehin ka rin tulad nila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-22-39-42-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi pa tapos ang masusuwerte mong araw. Sa katunayan, sisingit pa nang sisingit ang mga buwenas mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-23-35-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ikaw ang masusunod kung ano ang gusto mong maging kapalaran. Ibig sabihin, huwag mong ipaubaya sa iba ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-21-29-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag hinog na ang bunga, dapat na itong pitasin kesa mahulog pa ito sa lupa at masayang. Kaya naman, tanggapin mo ang mga regalo sa iyo, para lalo ka pang suwertehin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-13-27-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo man alam, pero may isang taong handa kang alalayan hanggang sa abot ng kanyang makakaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-20-28-37-41.
Commentaires