ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 29, 2024
Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 29, 2024 (Biyernes): Paulit-ulit kang dadalhin ng kapalaran kung saan ay magiging masaya ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hinihintay na ng langit ang pasya mo. Gusto mo ba talaga ang mga materyal na bagay? Ibibigay Niya lahat sayo ‘yan, basta’t ipakita mo lamang na buo ang iyong pagnanasa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-10-14-29-34-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unawain mo pa rin sila, kahit na medyo agrabyado ka na. Sa huli, matutuklasan mo na ang taong nadedehado pa rin naman ang nananalo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-20-23-28-30-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Sa tuwing nalalanta ang bulaklak, binibigyang daan nito ang mga sariwang halaman. Kaya naman ‘wag kang malungkot kung puro kamalasan ang iyong nararanasan ngayon, dahil sa susunod na araw, mapapalitan din ‘yan ng suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-24-26-35-45.
CANCER (June 21-July 22) - Iyo ang araw na ito. Sa muling pag-ikot ng gulong ng kapalaran, uulanin ka na ng magagandang bagay. Kasabay nu’n ay mamamangha ang mga taong nakapaligid sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-31-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hanapin mo ngayon ang kasiyahan, habang nag-iisa at wala kang kasama. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-23-27-33-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umeepekto sa iyo ang mga madramang kuwento. Pero magkunwari kang hindi ka naaapektuhan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-22-28-36-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papalit-palit lang ang dilim at liwanag. Bakit mo katatakutan ang mga suliranin, kung bukas naman ay gaganda na ang iyong kapalaran? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-13-23-31-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manood ka! Kumbaga, panoorin mo lang ang mga nagaganap sa iyong harapan at huwag kang makialam sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-18-29-33-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan mo ngayon ang mga bituin na nalalaglag mula sa kalangitan. Sila ang mga mapagmalaki na nabuhay sa karangyaan pero walang mga karapatang magsipagyabang. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-3-16-20-28-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magagalit ka sa mga maramdamin pero ikaw din naman ang unang masasaktan. Mas mabuting sakyan mo na lamang ang mga salitang iyong naririnig kesa mainis ka pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-17-22-32-40-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ayaw ng hangin sa ibaba, dahil siya ay likas na gumagalaw paitaas. Hindi mo rin tatanggapin ang posisyon na ikaw ay nasa ibaba. ‘Di ka bagay sa ganitong klaseng gawain. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-15-26-31-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang isang munting suwerte, pero tulad ng binhi ng halaman, dito magsisimula ang iyong pagyaman. Mahalin mo ang munting suwerte na darating sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-12-27-35-41.
Comments