top of page
Search
BULGAR

Horoscope | Nobyembre 27, 2024 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Nov. 27, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 27, 2024 (Miyerkules): Hugutin mo ang lakas ng loob mo na noon pa nasa sa iyo. Ito ang sandatang bigay sa iyo ng langit na magagamit mo sa mga ambisyon mo sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Darating muli ang mga araw na kung saan ay madali mong maaabot ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-23-34-41-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipaglaban mo ang karapatan mo, lalo na kapag nasa tamang landas ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-16-28-30-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na nasa mataas na antas ang tapang mo. Gamitin mo ito upang kumita ng maraming pera. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-24-29-33-37.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon mo sabihin ang lahat ng laman ng iyong damdamin. Ito ang araw na ibinigay sa iyo ng langit para masabi mo ang mga kinikimkim mong mga saloobin. Masuwerteng kulay–silver. Tips sa lotto-2-16-25-31-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - ‘Wag mong sayangin ang araw na ito para sa personal mong kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-21-24-28-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nananariwa ang mga bulaklak dahil sa hamog. Gayunman, muli namang sisigla ang pag-ibig mo, dahil sa mahiwagang ngiti na magpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-22-27-29-32-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang palampasin ang pagkakataong gumanda ang buhay mo. Isipin mo, walang nararating ang mga taong takot makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-28-33-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bumanat ka! Pakawalan mo ang nagpupumiglas na lakas sa iyong katawan. Magugulat ka, dahil totoo pala na kapag malakas ang loob, mabilis na umaasenso ang buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-13-24-26-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Totoo ang iniisip mo na kung wala kang hangarin, walang mangyayari sa mga plano mo sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-25-30-33-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pagkaitan ang sarili mo na sumaya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-21-27-34-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang makuntento sa tagumpay na nakukuha mo ngayon. Magsikap ka paras mas lalo mong makamit ang tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-20-25-35-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ipinamimigay mo ang ilang suwerte na dumadapo sa iyo? Gawin mo itong binhi at saka ibahagi sa ibang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-11-16-24-34-40.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page