ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 14, 2024
Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2024 (Martes): Magnegosyo ka dahil ito ang batas ng iyong kapalaran. Sa pagnenegosyo, mas marami kang matutulungan na magkaroon ng hanapbuhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis ang mga kaganapan, kaya bilisan mo rin ang pagkilos nang sa gayun ay makasabay ka sa agos ng buhay, kung saan marami ang iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-29-33-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lagyan mo ng eksaktong halaga ang gusto mong kitain, lakihan at pagsikapan mo ito. Sa araw na ito, aalalayan ka ng langit at makakamit mo rin ang pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-23-37-40-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Gawin mo na ang gusto mong gawin, pero ang payo ay dapat na makabuluhan ang iyong layunin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-9-14-19-27-30-45.
CANCER (June 21-July 22) - Pasasayahin ka ng langit at para kang bibiruin na aakalain mong hindi mo na makukuha ang gusto mo dahil sa mga pangyayari. Muli, ito ay akala mo lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-17-22-29-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit ayaw mo, mas marami ang magagastos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-19-25-28-31-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tutukan ang pagkakamali ng kapwa mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-9-14-23-26-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang larangan ng kabuhayan. Huwag ka nang mag-aksaya pa ng panahon sa kung anu-anong bagay upang hindi rin masayang ang araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-15-18-24-33-39
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa sama-samang pagsasaya. Sa ganitong paraan, mauunawaan mo na ang buhay sa mundo ay mas maganda pala. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-12-29-33-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itugma mo ang layunin mo. Mas maganda na magkaroon ng pagkakaisa sa iisang layunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-27-33-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magmumula sa ibang tao ang ilang suwerte mo, pero ang malalaking suwerte ay mula sa iyong sarili na likas nang masuwerte noon pa man. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-20-29-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag ka munang lumayo. Puwede ka mamasyal sa malapit dahil ang kondisyon bago ka buwenasin ay ang makita kang parang ayaw mong iwanan ang iyong kasalukuyang tahanan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-28-31-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang gusto mo. Isa itong makabagong pormula ng tagumpay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-7-19- 25-34-40.
Comentarios