ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-8 ng Marso, 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 8, 2024 (Biyernes): Bawat proyektong magugustuhan mo, itodo mo ang kakayahan mo dahil sa mga ganitong paraan, yayaman ka. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kilos ng katawan ang panlaban sa kung anu-anong negatibong kaisipan na sa iyo ay nagpapabalik-balik. Kapag kumikilos ang katawan, hindi gaanong nakakaporma ang isipan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-21-24-33-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humugot ka ng lakas sa mga pagsubok na nalampasan mo sa iyong mga nakaraan. Ang totoo, kahit gaano pa kalaki ang makasagupa mong hamon ng kapalaran, muli mo itong tatalunin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-25-31-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaantala ang proyekto na gusto mong simulan. Ang dahilan ay may naisip kang negatibong bagay. Naiisip mo lang naman ‘yun, kumbaga, hindi naman mangyayari sa reyalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-23-28-33-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit hindi mo aminin, masyado kang emosyunal sa araw na ito. Maganda rin naman ang ganu’n dahil napapalapit sa iyo ang taong nagmamalasakit nang totoo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-20-29-31-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malaking bagay ang maitutulong mo sa mga taong problemado. Ang malaking bagay na ‘yun ay hindi naman sa halaga ng pera. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-8-10-19-28-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maduduwag ka pero alam mong kailangan mong maging matapang, kaya muli ka ulit magkakaroon ng lakas ng loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-23-32-41-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sakyan mo lang ang mga taong malungkutin at huwag mo silang layuan, mas maganda pa rin na ikaw ay nasa kanilang tabi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-6-24-27-30-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong mag-isip ng malalim dahil mahuhukay mo ang mga problemang wala rin namang kalutasan. Mas magandang maging positibo anuman ang mangyari sa mundo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-16-18-22-26-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang makihalo sa mga hindi pagkakaunawaan. Mas maganda ang tahimik at hindi nakikialam dahil ang mga hindi pagkakasundo ay nagkakaayos din. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-15-28-30-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ang gusto mo. Mahihirapan ka dahil sa mga kontrabida, pero wala rin naman silang magagawa dahil mas malakas ka kesa sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-22-26-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinahon ang kailangan mo sa harap ng sitwasyong nakakagalit. Mahirap itong gawin, pero mas mahirap magkasakit dahil sa sama ng loob. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-25-29-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nanalo ka, sobrang laki nito. Kapag naman natalo ka, maliit lang. Saan ka pa, eh ‘di sa pakikipagsapalaran na. Kapag wala kang ginawa na kahit ano, wala ka ring mapapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-12- 23-25-33-40.
Comments