ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Marso 6, 2024
Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2024 (Miyerkules): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Ito ang mismong kapalaran mo at kung hindi sinasadya na pumangit ang buhay mo, kikilos ang langit upang agad itong gumanda.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda, ‘yun ang pag-ukulan mo para makakuha ka ng inspirasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-18-21-24-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa iyo nakatutok ang lahat ng mga mata. Maraming humahanga at naniniwala sa iyo, ituloy mo lang ‘yan dahil mas marami pang suwerte at magandang kapalaran ang naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-11-23-29-38-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Hanapin mo ang mga mali sa buhay mo at ayusin mo agad. Ngayon ang tamang panahon upang makabalik ka sa magandang buhay na kung saan ka sasaya at mabilis na uunlad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-6-17-22-31-39.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbabalik ang lakas ng iyong karisma. Ang nakatutuwa ay ang sinumang madikit sa iyo ay maaari mong maakit at magayuma. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-20-27-32-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat lumayo sa mga tao. Mas masaya ang buhay kapag marami ang taong nasa paligid. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-25-38-41-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang nakikita mo, iyon ang sa iyo. Ang madalas na dahilan nang hindi maipaliwanag na lungkot ay ang pagdaya mo sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-15-18-27-36-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawak mo ngayon ang gulong ng iyong kapalaran. Kapag pinagalaw mo ito, dadagsa ang magagandang bagay para sa iyo. Pero kung wala kang gagawin, walang magbabago sa iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-23-28-34-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang manghinayang sa idadagdag mong puhunan. Ang mahalaga ay may plano ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-18-22-28-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aasta ang mga taong walang alam na sila ay marunong. Hayaan at pagbigyan mo lang sila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-6-15-24-33-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak ng mahal mo ang mga sikreto ng iyong kapalaran. Mag-ingat ka at huwag mong dayain ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-26-28-35-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) Sasaya ka, pero panandalian lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-11-16-20-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Buksan mo ang pintuan ng mga oportunidad na kumakatok sa iyong harapan. Ibig sabihin, ‘wag mong katakutan at iwasan ang mga bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-19-25-28-37.
Comments